Home NATIONWIDE PUP Open University, binuksan sa pagpapalawak sa access sa dekalidad na edukasyon

PUP Open University, binuksan sa pagpapalawak sa access sa dekalidad na edukasyon

3
0

MANILA, Philippines – Binuksan ang bagong 4-storey PUP Open University Building sa PUP Mabini Campus na nagkakahalaga ng P 185 milyon.

Layon nitong palawakin ang access sa dekalidad at abot-kayang degree at non-degree programs para sa libu-libong estudyante.

Ang gusali ay nagsisilbi ng modernong learning hub na nakatuon sa open at distance education program ng PUP, Ayon kay Acting secretary Kim Robert S.De Leon ng Department of Budget and Management matapos inspeksyunin ng mga opisyal ng DBM ang pasilidad noong ngayong June 10.

Ito ay para masuri ang implementation at matiyak na ang pondio ng bayan ay nauuwi sa makabuluhang serbisyo.

Makikinabang dito ang mga working professionals, guro, out-of-school youth, at iba pang may limitasyon sa oras, pera, o lokasyon.

Ayon kay De Leon, patunay ang proyekto na ang budget ay nagiging konkretong serbisyo at oportunidad. Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos na dapat maramdaman ng bawat Pilipino ang benepisyo ng pambansang budget.

Binigyang-diin ng DBM na ang edukasyon ay hindi gastos kundi pamumuhunan sa kinabukasan ng bansa. 

Sa pamamagitan  ng mga pasilidad na idinisenyo para sa open at distance learning, pinapalakas ng bagong gusali ang kapasidad ng unibersidad na maabot ang mas maraming Pilipino at magbigay ng dekalidad na edukasyon sa kabila ng tradisyonal na set-up sa silid-aralan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here