Home NATIONWIDE Banta sa Senado posibleng may kaugnayan sa isyu ng 18 ex-bodyguard –...

Banta sa Senado posibleng may kaugnayan sa isyu ng 18 ex-bodyguard – Gatchalian

5
0

MANILA, Philippines – Iniuugnay ni Senador Sherwin Gatchalian ang banta sa Senado sa isyu ng 18 indibidwal na nagsilbing bodyguard ni dating representative Zaldy Co.

Sa panayam, sinabi ni Gatchalian na siniseryoso ng mga awtoridad ang lahat ng banta at inatasan na ang Office of the Senate Sergeant-at-Arms (OSAA) na makipag-ugnayan sa iba’t ibang various intelligence agencies para beripikahin ang impormasyon.

“Lahat ng banta sineseryoso natin, especially sa ganitong situation. Si Senate Sergeant-at-Arms will be coordinating with intelligence agencies. In the meantime, we have to take this seriously kasi ang priority natin ay safety ng employees, media, members of the Senate and senators,” aniya.

Matatandaan na inilagay sa heightened security ang Senado simula noong Martes, Hunyo 9, matapos makatanggap si Gatchalian ng impormasyon ng banta mula sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ipinatupad ang remote work sa kapulungan simula Miyerkules hanggang ngayong araw, Hunyo 11.

Ayon kay Gatchalian, pinalutang ni NBI Director Melvin Matibag ang posibilidad na ang security threat ay may kaugnayan sa 18 nagpakilalang dating Marines.

“What he said was there’s a possibility na mayroong manggugulo sa Senado, and it’s a possibility na armed group ang manggugulo,” sinabi ni Gatchalian.

“Ang sabi ng NBI, it might be connected to them,” dagdag pa.

Kinwestyon naman ni Senador Alan Peter Cayetano ang banta at ang source nitong NBI.

Dagdag pa, nagtataka rin si Cayetano kung bakit may iilan lamang na senador ang nasabihan patungkol dito, maging ang timing ng alert na kasabay ng nakatakdang heaaring ng Senate Blue Ribbon Committee, na pinangungunahan ni Senador Pia Cayetano patungkol sa isyu ng flood control scandal ngayon ding araw. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here