Home NATIONWIDE Heat index sa Taytay, Rizal pumalo sa 51.38°C

Heat index sa Taytay, Rizal pumalo sa 51.38°C

3
0

MANILA, Philippines – Umabot sa 51.38 degrees Celsius ang heat index sa Taytay, Rizal ngayong Huwebes, Hunyo 11.

Sa advisory ng lokal na pamahalaan bandang 9:50 ng umaga, sinabi na ang heat index na naitala sa bayan ay umabot sa 51.38°C o pasok sa mapanganib na lebel ng heat index.

Nagbabala ang Taytay LGU sa mga residente na mag-ingat sa banta ng heat cramps, heat exhaustion o heat stroke dahil sa matinding init ng panahon.

Noong Mayo 28 ay nakapagtala rin ang munisipalidad ng heat index na 51.07°C.

Ang pagbalik ng mainit na panahon ay dahil sa paghina ng southwest monsoon o Habagat ayon sa PAGASA. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here