Home NATIONWIDE ALAMIN: Mga isasarang kalsada sa Araw ng Kalayaan

ALAMIN: Mga isasarang kalsada sa Araw ng Kalayaan

3
0

MANILA, Philippines – Isasara ang ilang kalsada malapit sa Rizal Park bukas, Hunyo 12, para sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang northbound at southbound lanes ng Roxas Boulevard mula Buendia Avenue hanggang P. Burgos Drive sa Maynila ay sarado mula alas-5 ng umaga hanggang alas-11 ng umaga.

Roxas Boulevard (mula Buendia hanggang Anda Circle)
Bonifacio Drive (mula P. Burgos hanggang Anda Circle)
TM Kalaw (mula Taft Avenue hanggang Roxas Boulevard)
P. Burgos (mula Taft Avenue hanggang Roxas Boulevard)
Finance Road (mula Taft Avenue hanggang P. Burgos Drive)
Katigbak (buong kahabaan)
Independence Road (buong kahabaan)
South Road (buong kahabaan)
Maria Orosa (mula TM Kalaw hanggang P. Burgos Drive)

Inaabisuhan ng MMDA ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta:

Para sa pa-northbound: Mula Roxas Boulevard, kumanan sa Buendia Avenue, kaliwa sa Taft Avenue patungo sa destinasyon o kumanan sa Epifanio de los Santos Avenue, at kumaliwa sa Osmeña Highway patungo sa destinasyon.

Sa pa-southbound naman: Mula R-10 patungogn Anda Circle, kumaliwa sa Soriano Avenue, kanan sa Solana Street, kaliwa sa Muralla Street, kaliwa sa Magallanes Drive, at kanan sa P. Burgos Avenue patungo sa destinasyon.

Para naman sa patungong North Harbor: Mula South Luzon Expressway, dumiretso sa Osmeña Highway, kanan sa Quirino Avenue, magpatuloy sa Nagtahan Street, at sa Lacson Avenue, kaliwa sa Yuseco Street, at dumiretso sa Capulong Street. Pagkatapos ay kumanan o kumaliwa sa R-10 Road patungo sa destinasyon.

Kasabay nito ay sinuspinde rin ang number coding scheme matapos ideklarang regular holiday ang Hunyo 12. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here