Home NATIONWIDE PBBM namahagi ng learning materials sa 13K estudyante sa San Juan

PBBM namahagi ng learning materials sa 13K estudyante sa San Juan

3
0

MANILA, Philippines – PINANGUNAHAN ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr., ang pamamahagi ng mga tablets at iba pang school supplies sa mga estudyante ng San Juan City.

Hinikayat ang mga mag-aaral na sulitin ang tulong mula sa gobyerno na ipinagkakaloob sa kanila para suportahan ang kanilang kinabukasan.

May 13,000 estudyante mula  Kindergarten hanggang  Grade 12 ay makatatanggap bawat Isa ng tablet, mapakikinabangan ng 13 public schools sa lungsod.

Nagbigay dun ang Office of the Executive Secretary ng 1,000 school bags na naglalaman ng learning materials para sa Kindergarten at Grade 1 learners.

“Sa ating mga kabataan, ay gamitin ninyo lahat itong mga dala namin at magbibigay ng lahat ng tulong na binibigay natin sa ating mga Presidential Scholars. Pagbutihin ninyo at ito… Kagaya po nandoon po ‘yung mga ibang Presidential Scholars nakausap ko, ay sinabi ko sa kanila ay mapakinabangan nila ‘yung ating scholarship na fund na binigay sa kanila upang sila ay maging handa pagdating ng panahon na sila na ang mga leaders ng ating bansa,” ayon sa Pangulo sa Pinaglabanan Elementary School.

“The local government and the national government can accomplish more together,” aniya pa rin.

Inullit din ng Pangulo ang commitment nito na suportahan ang mga guro kabilang na ang pangako na walang guro ang magreretiro na may rank of Teacher I.

Sa panahon ng  programa, pinangunahan din ng Pangulo ang orientation para sa 105 beneficiaries ng Bagong Pilipinas Presidential Merit Scholarship Program at ininspeksyon ang  Grade 1 at Grade 3 classrooms.

Nakatanggap naman ng education sector ang pinakamalaking alokasyon para sa national budget ngayong taon na  P1.345 trillion, alinsunod sa mandato ng Saligang Batas na iprayoridad ang edukasyon.

Popondohan ng  budget ang paglikha ng  32,916 teaching positions at 32,268 non-teaching plantilla positions sa pampublikong eskuwelahan. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here