Home NATIONWIDE Malakanyang umaasa sa mabilis na imbestigasyon sa pagkamatay ng Ateneo players

Malakanyang umaasa sa mabilis na imbestigasyon sa pagkamatay ng Ateneo players

3
0

MANILA, Philippines – NANAWAGAN ang Malakanyang para sa maagap na imbestigasyon sa pagkamatay ng dalawang estudyante- atleta ng Ateneo de Manila University sa gitna ng ulat at espekulasyon na nakabalot sa kanilang pagkamatay.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kaagad na kumilos ang mga awtoridad para madetermina ang katotohanan sa likod ng insidente.

“Unang-una po, of course, nakikiramay po tayo sa pangyayaring ito at ang nais din po ng Pangulo, hindi lamang po ‘to sa sitwasyon na ganito pero sa lahat po ng mga Pilipino na napupunta sa ganitong klaseng sitwasyon – dapat pong agaran ang pag-iimbestiga,”anito.

Nauna rito, kinumpirma ng Ateneo de Manila University ang insidente at kinilala ang mga nasawi na sina Rene Clert Baterbonia at Divine Adili.

Sa opisyal na pahayag ng pamantasan, ipinaabot nito ang matinding kalungkutan at pakikiramay sa mga pamilya, kaibigan, kakampi, coaches, at iba pang naulila ng dalawang atleta.

Dagdag pa ng unibersidad, patuloy nilang ipagdarasal ang kapayapaan ng mga nasawi at ang lakas ng loob ng mga naiwan.

“Kailangan po talaga ng agarang pag-iimbestiga rito dahil hindi po naging maganda ang naging resulta ng sinasabing training. Of course, hindi po natin kailangang i-preempt or mag-pre-judge dito so kailangan po talaga ng agarang imbestigasyon,” aniya pa rin.

Samantala, ang insidente ay nagdulot ng pagkabigla at matinding dalamhati sa komunidad ng Ateneo, lalo na sa mundo ng kolehiyong basketball kung saan kilala ang dalawang atleta bilang masisipag at dedikadong manlalaro. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here