Home NATIONWIDE Pride Community graduation sa QC, pinangunahan ni Mayor Joy

Pride Community graduation sa QC, pinangunahan ni Mayor Joy

3
0
Naghatid ng kanyang ikaanim na State of the City Address si Quezon City Mayor Josefina "Joy" Belmonte sa Quezon City Hall Complex nitong Lunes, Oktubre 21, 2024. DANNY QUERUBIN

MANILA, Philippines – Nanguna si. Quezon City Mayor Joy Belmonte sa ginanap kahapon na graduation rites Year 3 Moving Toward Equality ng nasa 220 miembro ng LGBTQA+ community sa Gateway Araneta Center Quezon City.

Sa kanyang mensahe, ipinangako ni Mayor Belmonte sa mga graduates na patuloy siyang kakampi ng Rainbow community at patuloy na kikilalanin ang kanilang mga karapatan.

“Ang potensiyal mo ay hindi nakasalalay sa dress code, tanggap ka dito,proud kami sa QC na kasama kayo lagi para sa lahat,” sabi ni Mayor Belmonte.

Kaugnay nito, inalala ni Belmonte nang simulan niya noong 2024 ang graduation rites ng Rainbow community na hanggang ngayon ay padami ng padami ang nakikiisa at marami ang nais pang makiisa.

Samantala, pinasalamatan din ni Belmonte ang LGBTQA+ community sa QC na isa sa mga katulong sa pagtataguyod sa pag-unlad ng lungsod.

Lumahok din sa okasyon sina Usec Atty Elen de Vibar Pasion ng Presidential Committee on LGBTQA+ Affairs, Diversity and Inclusion, Ms Lorna Fabian, Vice President ng Araneta City -Leasing at mga opisyal ng QC LGU. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here