Manila, Philippines – Hindi pinalampas ng premyadong aktor na si Romnick Sarmenta ang mga bashers na kumukuwestiyon sa kanyang political stand.
Ibinandera ni Romnick sa social media ang kanyang pinaninindigang paniniwala sa gitna ng nangyayaring bangayan ngayon sa mundo ng politika.
Ayon pa kay Niko ay mariin niyang pagdidiinan na isa ay makabayang Pilipino at walang politikong kinakampihan.
Sey pa ni Romnick na hindi raw siya maka VP Sarah Duterte at hindi rin naman maka PBBM.
“Oo, di ako maka VP, pero di rin ako makapresidente ninyo. Makabayan ako,” post pa ng aktor sa kanyang IG account.
Ito naman ang mga naging komento ng mga netizens tungkol sa post ng premyadong aktor.
“Ganyan naman sila, either black or white just to stick sa narrative nila.”
“Ganito script ng mga laos at di na pinapansin!!!”
“Speaking english na ang bulul at laos na matanda.”
“Tama! Hindi lamang dalawa, lawakan ang isipan.”
“Punta ka sa Mars doon ka magpaliwanag!”
Hindi naman kaila na isa si Romnick sa mga matatapang na celebrities na lantarang naghahayag ng saloobin sa mahahalagang isyu ng bayan.
Noong 2022 presidential elections, sinuportahan niya ang pagtakbo sa pagka-pangulo ni dating Vice President Leni Robredo at ang running mate nitong si Sen. Kiko Pangilinan, huh! Jimi Escala