Home HOME BANNER STORY VP Sara: ‘Di ko gusto agawin ‘yung posisyon ni Bongbong

VP Sara: ‘Di ko gusto agawin ‘yung posisyon ni Bongbong

4
0

DAVAO CITY — Itinanggi ni Bise Presidente Sara Duterte na may balak siyang pabagsakin ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iginiit na nananatili siyang nakatali sa kanyang sinumpaang tungkulin na ipagtanggol ang Konstitusyon.

“Wala sa aking mga kamay ang pagsasagawa ng extra constitutional means to overthrow the current administration. At hindi ko din gusto ‘yun. Hindi ko gusto agawin ‘yung posisyon ni Bongbong Marcos,” ani Duterte sa isang panayam sa Davao City.

Ipinaliwanag ng Bise Presidente na kaya siya kritikal sa kasalukuyang administrasyon ay upang ipakita umano sa publiko ang tunay na kalagayan ng pamahalaan.

“Gusto ko makita ng taong bayan hanggang sa dulo kung gaano ka walang hiya si BBM,” aniya.

Sa kanyang mensahe para sa ika-128 Araw ng Kalayaan, sinabi rin ni Duterte na maaaring mawala ang soberanya ng bansa hindi lamang dahil sa mga dayuhang mananakop kundi maging dahil sa korapsyon sa loob ng gobyerno.

“Ang kalayaan natin at ang soberanya natin, hindi siya nawawala sa mga foreign invaders lamang. Hindi siya sa pagsakop lamang ng mga foreign invaders. Nawawala din siya kapag ‘yung mga matataas na opisyal ng ating pamahalaan, kasama na ang Pangulo, ay mala sindikato sa pagnanakaw ng pera ng bayan,” aniya.

“Every peso that is stolen is pagkawala ng dignidad ng bawat people,” dagdag niya.

Ayon kay Duterte, hindi lamang pera ang ninanakaw ng korapsyon kundi pati oportunidad, dignidad, pag-asa, at kalayaan ng mamamayan.

Samantala, muli siyang in-impeach ng Kamara de Representantes kaugnay ng mga alegasyong culpable violation of the Constitution, graft and corruption, betrayal of public trust, bribery, at iba pang matitinding krimen.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here