Home NATIONWIDE DOH specialized team pupunta sa Sarangani sa epekto ng lindol

DOH specialized team pupunta sa Sarangani sa epekto ng lindol

2
0

MANILA, Philippines – Nagdeploy ang Department of Health (DOH) ng isang specialized medical team upang tumulong sa mga apektado ng magnitude 7.8 na lindol sa Sarangani.

Ayon kay DOH Undersecretary Albert Domingo, inaasahang darating sa bayan ng Glan, Sarangani ang Philippine Emergency Medical Assistance Team (PEMAT) ngayong Linggo upang palakasin ang kasalukuyang emergency response operations sa lugar.

Bitbit ng grupo ang isang portable at gravity-powered ultrafiltration unit na kayang makapagbigay ng libu-libong litro ng malinis at ligtas na inuming tubig bawat araw kahit walang kuryente o kemikal.

Magdadala rin sila ng mga gamot kabilang ang mga panlaban sa diarrhea.

Binubuo ang PEMAT ng dalawang surgeon, dalawang obstetrician-gynecologist, dalawang emergency medicine specialist, dalawang anesthesiologist, dalawang pediatrician, isang internist, 17 nurse, dalawang midwife, dalawang radiation technologist, isang medical technologist, isang physical therapist at isang mental health specialist.

Kasama rin sa grupo ang mga biomedical at electrical engineer at administrative support personnel.

Ayon kay Domingo, isinagawa ang deployment alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking tuloy-tuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng malakas na lindol. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here