Home NATIONWIDE PNP-CIDG nagsimula na sa imbestigasyon sa pagkamatay nina Baterbonia, Adili

PNP-CIDG nagsimula na sa imbestigasyon sa pagkamatay nina Baterbonia, Adili

2
0

MANILA, Philippines – Dumating sa opisina ng CIDG sina Interior Secretary Jonvic Remulla, Criminal Investigation and Detection Group director Major General Robert Alexander Morico II, at mga abogado na pinaniniwalaang magrerepresenta sa pamunuan ng Ateneo de Manila University Men’s basketball team ngayong Lunes, Hunyo 15.

Ani Remulla, magsasagawa sila ng fact-finding exercise upang malaman ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ng mga student-athlete na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.

“Today, we subpoenaed the top management of the Ateneo basketball team, headed by Coach Tab Baldwin. Last week, the events unfolded, mostly was a fault-finding exercise. Today is a fact-finding exercise,” sinabi ni Remulla.

“We are not here to arrest, we are not here to charge, but merely to gather the facts. Kukunin lang namin talaga kung ano ang nangyari, kung sinong nag-authorize, kung paano sila pumunta, kung sinong nag-order, lahat ‘yun kukunin namin yan. I repeat, this is a fact-finding mission, hindi siya fault-finding,” dagdag pa.

Noong nakaraang linggo ay nag-isyu ng mga subpoena ang CIDG sa mga coach at manlalaro ng Ateneo na naroon sa aktibidad sa Dipaculao, Aurora.

Ipinatawag din ang mga opisyal ng barangay sa Aurora, hotel staff at bus driver ng team.

Nasawi sina Baterbonia at Adili dahil sa pagkalunod kasabay ng team building activity sa isang beach resort sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here