Home NATIONWIDE BIR: Koleksyon ng buwis umabot sa P279.1B noong Mayo

BIR: Koleksyon ng buwis umabot sa P279.1B noong Mayo

3
0

MANILA, Philippines – Umabot sa ₱279.135 bilyon ang nakolektang buwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) noong Mayo 2026, na mas mataas ng 14.15% kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon, sa kabila ng umiiral na energy crisis.

Ayon sa BIR, nalampasan din nito ang itinakdang target ng ahensya ng ₱78.22 milyon. Dahil dito, umabot sa ₱1.434 trilyon ang kabuuang koleksyon sa unang limang buwan ng taon, na mas mataas ng 5.49% kumpara noong 2025.

Ipinaliwanag ni BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza na isa sa mga dahilan ng pagtaas ng koleksyon ay ang pagpapalawig ng tax filing deadline na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“The extension granted by President Ferdinand R. Marcos Jr. helped taxpayers manage their finances and comply with their tax obligations in a more orderly manner during this energy crisis,” ani Mendoza.

Dagdag niya, nakatulong din ito upang mabigyan ng sapat na oras ang mga taxpayer sa tamang pag-file at pagbabayad ng buwis sa gitna ng mahirap na sitwasyon.

Ayon pa sa BIR, sa kabila ng mga problema sa kuryente at internet sa ilang lugar, nagpatuloy pa rin ang operasyon ng kanilang mga tauhan.

Iniuugnay din ng ahensya ang pagtaas ng koleksyon sa pagtaas ng presyo ng gasolina, na nagpalakas ng kita mula sa 12% value-added tax at excise tax sa fuel. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here