Home NATIONWIDE Ilang digital banking services ng BPI, ‘di pa pin ma-access ng mga...

Ilang digital banking services ng BPI, ‘di pa pin ma-access ng mga customer

3
0

MANILA, Philippines – Patuloy pa ring nakararanas ng problema ang Bank of the Philippine Islands (BPI) sa kanilang electronic banking system, kung saan hindi pa rin ma-access ng maraming customer ang mobile banking app at online banking website nito.

Ayon sa pinakahuling post ng BPI sa Facebook, bukas pa rin ang kanilang mga sangay para maglingkod sa mga kliyente habang patuloy na inaayos ang problema sa sistema.

“We regret the inconvenience this has caused. Thank you for your understanding,” pahayag ng bangko.

Dagdag pa ng BPI, gumagana pa rin ang kanilang ATMs at Cash Accept Machines, kaya maaaring mag-withdraw o mag-deposit ng pera ang mga customer. Maaari ring gamitin ang BPI debit at credit cards sa mga physical stores, ngunit pansamantalang hindi ito magagamit para sa e-commerce transactions.

Nagsimula ang aberya noong Linggo, kung saan maraming customer ang nag-ulat na hindi sila makapag-login sa kanilang online accounts.

Aminado ang Ayala-led bank na hindi muna gumagana ang kanilang online banking services, kabilang ang BPI app at ilang third-party transactions na gumagamit ng BPI credentials.

Dahil payday noong Hunyo 15, maraming customer ang nag-alala kung kailan maaayos ang sistema.

Sa ngayon, wala pang ibinibigay na eksaktong oras ang BPI kung kailan tuluyang maibabalik ang normal na operasyon ng kanilang digital banking services. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here