Home NATIONWIDE Aksyon ng DOLE sa higit 21K reklamo sa “Sumbungan ng Manggagawa”, ipinanawagan...

Aksyon ng DOLE sa higit 21K reklamo sa “Sumbungan ng Manggagawa”, ipinanawagan ni Rep. San Fernando

3
0

MANILA, Philippines – Pinakinggan ni DOLE Sec. Francis Tolentino si Kamanggagawa Rep. Eli San Fernando na siyang panauhing tagapagsalita sa flag raising ceremony nitong June 15 sa DOLE Central Office sa Intramuros, Manila.

Ibinahaging ng mambabatas ang mahahalagang hamon na kinakaharap ngayon ng mga Pilipinong manggagawa tulad ng hindi nababayad na benefits, mababang sahod vs productivity at occupational safety.

Aniya, mahigit 21 libong reklamo na ang natanggap ng “Sumbungan ng Manggagawa” tungkol sa illegal dismissal, suspesnyon, wage disputes at floating status.

Hiniling ni San Fernando ang aksyon ng DOLE at permanenteng diyalogo.

Kinikilala ng Kalihim ang mga hamon at nangako ng karagdagang pag-uusap kasama ang mga bureau director para makabuo ng solusyon.

Sa ilalim ni Sec. Tolentino, binuksan ng DOLE ang lingguhang flag ceremony para sa boses ng mga slider ng manggagawa.

Nakipagpulong na rin si San Fernando sa DOLE Cavite noong Hunyo 8 para sa welfare at job generation programs. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here