Home HOME BANNER STORY Bagong mayorya nakahanda sa special session – Zubiri

Bagong mayorya nakahanda sa special session – Zubiri

3
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Senate Majority Leader Juan Miguel “MIgz” Zubiri na dadalo sa special session ang bagong mayorya sa pamumuno ni Senate President Pro-Tempore Sherwin Gatchalian sa Hunyo 17 upang talakayin ang nabinbin na batas at kumpirmasyon sa opisyal ng gobyerno.

Sa pahayag, sinabi ni Zubiri na nakahanda ang mayorya sa ipinatawag na special session ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., para ituloy ang nabinbin na panukalang batas sa kalusugan at nakasalang sa opisyal sa Commission on Appointments (CA).

“We in the majority welcome the call for a special session on June 17, and we are ready to do our mandate, work hard and help the Senate act on urgent matters before us,” ayon kay Zubiri.

Aniya, malinaw at kailangan ang mga agenda na sumasaklaw  health care, pondo sa edukasyon at tulong sa mamamayan sa panahon ng krisis na isang bagay na makakatulong sa pamilyang filipino na kailangan kilusan ng pamahalaan nang mabilisang at pang-uunawa.

 “Papasok tayo, magtatrabaho tayo and we will do our duty for the people,” ayon kay Zubiri.

Aniya, may mahalagang gawain din ang CA para sa miyembro ng GAbinete, military at foreign service appointments at may utang tayo sa mga institusiyong ito kaya kailangannang kumilos nang may kasipagan at pagkapantay-pantay.

“The enate has always had the capacity to rise above difficult moments, and I trust that we can approach this session with seriousness, respect for our mandate and a clear sense of responsibility to the people,” aniya.

“Walang drama, walang delay, walang dahilan para hindi magtrabaho. We should be ready to work and ready to help move forward whatever must be acted upon for the public good,” giit ni Zubiri. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here