Home NATIONWIDE Lesson planning ng mga guro pinaluwag ng DepEd sa “ILAW framework”

Lesson planning ng mga guro pinaluwag ng DepEd sa “ILAW framework”

3
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) ang bagong pinasimpleng lesson planning framework na layuning bawasan ang mabigat na paperwork ng mga pampublikong guro at bigyan sila ng mas maraming oras para sa aktwal na pagtuturo sa klase.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, inalis na ang pagkakaiba ng Detailed Lesson Plan at Daily Lesson Log at pinalitan ng mas flexible at streamlined na proseso ng paghahanda ng aralin.

“Hindi na dapat inuubos ang oras ng ating mga guro sa pagsusulat ng mahahabang lesson plan. Ang mahalaga ay malinaw ang layunin ng aralin, handa ang guro, at natututo ang bata sa loob ng classroom,” ayon kay Angara.

Ipinakilala rin ang bagong “ILAW framework” na nangangahulugang Intentions, Learning Experience, Assessing Learning, at Ways Forward. Sa ilalim nito, ang mga guro at Alternative Learning System (ALS) implementers ay kailangan na lamang ilahad ang mahahalagang bahagi ng lesson planning.

Bawal na rin ang mga regional, division offices, at paaralan na magdagdag ng sarili nilang templates o karagdagang dokumento na lampas sa standard requirements.

Ayon kay Angara, layunin nito na ibalik ang tiwala sa mga guro.

“Ibinabalik natin ang tiwala sa ating mga guro. Sila ang mas nakakakilala sa kanilang learners, kaya dapat binibigyan natin sila ng malinaw na gabay at sapat na espasyo para magdisenyo ng lessons na tunay na tumutugon sa klase nila,” aniya.

Hinihikayat din ng DepEd ang collaborative lesson planning, sharing ng resources, at paggamit ng digital tools. Maaari rin gumamit ng artificial intelligence (AI) sa grammar checking at formatting, ngunit hindi ito maaaring pumalit sa professional judgment ng guro.

Ang mga school heads ay inaatasang magtuon hindi lang sa checking ng lesson plans kundi sa coaching at mentoring ng mga guro.

Magsisimula ang transition sa bagong guidelines sa School Year 2026–2027, habang full implementation ay sa ikalawang termino ng school year matapos ang training at capacity-building ng mga guro. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here