MANILA, Philippines – Nakatakdang bumiyahe si Pangulong Marcos sa Kazan, Russia, sa susunod na linggo para sa kanyang unang miting kasama si Russian President Vladimir Putin at upang i-co-chair ang ASEAN-Russia Commemorative Summit, tanda ng 35th anniversary ng dialogue relations sa pagitan ng regional bloc at Moscow.
“The June 17-18 summit will bring together Association of Southeast Asian Nations leaders and Russia to review progress on their strategic partnership and chart its future direction,” ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) ASEAN 2026 Philippines Spokesperson Dominic Xavier Imperial sa pre-departure press briefing sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Lunes.
Bilang ASEAN Chair, tatayong co-chair ng summit si Pangulong Marcos kasama si Putin.
Taglay ng summit ang partikular na kahalagahan para sa Pilipinas dahil sa kasabay nito ang 50th anniversary ng diplomatic relations sa pagitan ng Maynila at Moscow ngayong taon at tanda ng unang pagbisita ni Pangulong Marcos sa Russia simula nang maupo ito bilang halal na Pangulo ng Pilipinas.
Sa sidelines ng summit, inaasahan na magdaraos ng bilateral meeting sina Pangulong Marcos at Putin na sesentro naman sa energy security at food security, na ayon sa DFA ay ‘mutually important’ sa dalawang bansa.
Sinabi pa ni Imperial, inaasahan na pag-uusapan ng dalawang lider ang regional at international issues, at maging ang mga paraan para mas palalimin pa ang kooperasyon sa turismo, edukasyon, agham at teknolohiya at people-to-people exchanges.
“The meeting will most likely focus on food security and energy security. That is mutually important for both countries, for the Philippines and Russia,” ang tinuran ni imperial.
Sa kabilang dako, sinabi ni Imperial na ang nagapatuloy na tensyon sa Gitnang silangan at implikasyon nito sa global energy at food supplies ay inaasahan na matatalakay.
Ani Imperial, ang pag-uusap ukol sa energy security ay maaaring i-cover ang ilang aspeto, kabilang na ang oil, natural gas, at kooperasyon ukol sa nuclear energy, kabilang na ang civilian applications hinggil sa nuclear technology.
Aniya ,”support for existing regional mechanisms, such as the ASEAN Framework Agreement on Petroleum Security and the ASEAN Power Grid, could also be discussed.”
At nang tanungin kung ang Pilipinas ay maaaring mag-explore ang importation deals kasama ang Russia lalo pa’t hangad nito na i-diversify ang oil sources sa gitna ng alalahanin ukol sa Strait of Hormuz, sinabi ni Imperial na hindi siya makapagbibigay ng depinidong sagot subalit ang nasabing pag-uusap ay maaaring tumaas sa panahon ng summit at bilateral meeting.
“Anything can be discussed under that area or agenda during the meeting of the two leaders,” aniya pa rin.
Inaasahan namang ia-adopt ng commemorative summit ang ilang mahahalagang dokumento na magsisilbing gabay sa ASEAN-Russia relations sa mga susunod na taon.
Kabilang ang Kazan Declaration 2026, joint statements ukol sa energy at cultural cooperation, at ASEAN-Russia Comprehensive Plan of Action 2026-2030, na magsisilbi bilang principal roadmap for cooperation sa political-security, economic, at socio-cultural pillars ng partnership.
Inasahan din na tatalakayin ng ASEAN at Russia na ang kooperasyon sa biosafety and biosecurity, outer space and satellite applications, trade and investment, tourism, education, at people-to-people exchanges.
Sa kabila ng nagpapatuloy na Russia-Ukraine war, sinabi ni Imperial na walang kalatas o deklarasyon ukol sa labanan na inaasahan na uusbong sa summit.
Sinabi pa ni Imperial na ang outcome documents ay nakapokus sa areas of cooperation sa pagitan ng ASEAN at Russia.
Gayunman, sinabi pa ni imperial na maaaring pag-usapan ng mga lider ang regional at international issues sa panahon ng kanilang closed-door meetings.
Ang paliwanag ni Imperial, patuloy ang engagement ng Maynila sa Moscow sa kabila ng parusa na ipinataw ng ilang bansa, kabilang na ang Singapore, laban sa siguradong Russian sectors.
Sinabi pa ni Imperial na ang Russia ay ASEAN dialogue partner ng Pilipinas at ang Pilipinas bilang ASEAN Chair, ay mayroong responsibiidad na isulong at palakasin ang external relations ng bloc.
Aniya, ang Pilipinas at ang rehiyon ay makikinabang mula sa kooperasyon kasama ang Russia sa larangan ng counterterrorism, transnational crime, climate change, health, disaster management, at capacity building para sa mga law enforcement agencies.
Tinukoy din ng opisyal ang lumalagong turismo at people-to-people exchanges, sabay sabing nakapagtala ang Pilipinas ng mahigit sa 30,000 Russian visitors noong 2024, ang pinakamataas na bilang na naitala.
Aniya pa, mayroong 15,000 Filipino ang kasalukuyang nakatira sa Russia, kabilang ang mga manggagawa sa service sector at mga engineers, teachers, professors, students, researchers, at artists.
Samantala, makakasama ng Pangulo sa byaheng Russia na ito sina Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro at maliit na delegasyon mula sa Department of Trade and Industry (DTI) dahil nakatuon ang summit sa economic engagement at kalakalan.
Kabilang naman sa iskedyul ng Pangulo sa Kazan ang ASEAN-Russia plenary session, isang working lunch, isang business forum, bilateral meeting kasama si Putin, isang gala dinner para sa mga lider at joint press conference.
Ang summit ang magiging kauna-unahan ding in-person engagement sa pagitan ng ASEAN at Russia sa antas ng mga lider simula ng special virtual meeting sa panahon ng Covid-19 pandemic. (KRIS JOSE)