Home METRO Notoryus tulak nasabat sa buy-bust ops sa Cavite

Notoryus tulak nasabat sa buy-bust ops sa Cavite

3
0

CAVITE, Philippines – Swak sa balde ang isang bigtime na tulak ng ibang uri ng droga makaraang maaresto ito  ng PDEA Quezon Provincial Office, PDEA Regional Office IV-A Special Enforcement Team 1 at Cavite Maritime Police sa ikinasang buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite  Linggo ng umaga.

Sa report, kinilala  ang suspek na si alyas “Ernie,” 39-anyos, walang trabaho residente ng Barangay Tunasan, Muntinlupa City.

Sa ulat, bandang alas-10:20 ng umaga nang magkasa ng drug bust operation ang pulisya at isang pulis na nagpanggap pouser buyer at nakipag deal sa suspek.

Makalipas ang ilang sandali Hindi na nakuhang makapalag pa ang suspek nang mapaligiran ng mga awtoridad pagkatapos ng deal nito sa poseur-buyer.

Nakumpiska mula dito ang may 109 piraso ng asul na tabletas na “ecstasy” na nagkakahalaga ng Php185,300 at 5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php34,000.

Narekober din sa suspek ang 1 Android cellphone, isang digital weighing scale, at ang ginamit na marked money.

Nahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) sa ilalim ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nadakip na suspek MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here