Home HOME BANNER STORY Walang Senate Blue Ribbong hearing sa Hunyo 16 – Tulfo

Walang Senate Blue Ribbong hearing sa Hunyo 16 – Tulfo

3
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ni Sen. Erwin Tulfo na walang nakatakdang hearing ang Senate Blue Ribbon Committee sa Martes, June 16, 2026.

Ayon sa opisyal na anunsyo na pirmado ni Tulfo at ng Blue Ribbon Oversight Office Management, walang anumang pagdinig ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations sa nasabing petsa.

Ito ay kasunod ng kumakalat na social media post ni dating Cong. Mike Defensor na nagsabing magkakaroon ng hearing tungkol sa umano’y flood control scam sa labas ng Senado.

“The public and all concerned stakeholders are hereby advised that no hearing of the Senate Committee on Accountability of Public Officers and Investigations (blue ribbon committee) has been scheduled for June 16, 2026,” ayon sa pahayag.

Dagdag pa ni Tulfo, ang mga pahayag ni Defensor ay “misinformation” at wala itong awtoridad para mag-anunsyo ng anumang Senate proceeding.

“The recent announcements made by former congressman Mike Defensor regarding an alleged hearing on said date were made without authority and approval of the committee,” aniya.

Binigyang-diin din ng komite na si Defensor ay walang legal na kapasidad para mag-anunsyo ng official Senate hearing.

Nagbabala si Tulfo na maaaring maharap si Defensor sa kaso na “usurpation of authority” dahil sa kanyang pahayag, depende sa magiging pagtingin ng imbestigasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here