Home METRO 17-anyos pinagtulungang gulpihin ng 5 menor de edad sa Rizal

17-anyos pinagtulungang gulpihin ng 5 menor de edad sa Rizal

3
0

RIZAL – Isang 17-anyos na lalaki ang binugbog ng limang menor de edad sa harap ng isang tindahan sa Angono, Rizal.

Ayon sa isang saksi, humingi muna ng tulong ang biktima sa mga nakatambay na motorcycle rider malapit sa tindahan bago naganap ang insidente, ngunit hindi umano siya pinansin.

Ilang sandali matapos nito ay nilapitan siya ng limang menor de edad at pinagtulungan umanong bugbugin.

Batay sa paunang impormasyon mula sa barangay, may kinalaman umano sa dati nang alitan ang pananakit sa biktima.

Nakatakdang pagharap-harapin ngayong Martes ang mga sangkot sa insidente kasama ang kanilang mga magulang upang mapag-usapan ang nangyari. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here