Home METRO 2 patay, 1 kritikal sa pananaga sa Leyte at Cebu

2 patay, 1 kritikal sa pananaga sa Leyte at Cebu

1
0

MANILA, Philippines – Dalawang katao ang nasawi habang isa naman ang nasa kritikal na kondisyon matapos masangkot sa magkakahiwalay na pananaga sa Leyte at Cebu.

Sa Matag-ob, Leyte, patay ang isang 45-anyos na lalaki matapos pagtatagain ng kanyang 62-anyos na stepfather. Batay sa imbestigasyon, lasing umano ang biktima nang tangkain nitong tagain ang isang aso. Sinubukan siyang pigilan ng kanyang stepfather ngunit sa halip ay ito ang kanyang pinagtataga.

Nagawang maagaw ng matanda ang bolo at gumanti ng pananaga sa kanyang stepson, na kalauna’y namatay. Natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ng biktima sa labas ng kanilang bahay sa Barangay Naulayan kasama ang 24-pulgadang bolo na ginamit sa insidente. Inaresto ang stepfather at nahaharap sa kasong homicide.

Sa Dalaguete, Cebu, isa ring 59-anyos na lalaki ang nasawi matapos pagtatagain ng kanyang 30-anyos na bisita sa bahay sa Barangay Balud.

Ayon sa pulisya, dalawang araw nang nakikituloy ang suspek sa bahay ng biktima at natutulog nang dumating ang huli at sinampal umano ang kanyang higaan. Nagising ang suspek at matapos uminom ng tubig ay hinamon umano ng biktima na bunutin ang kanyang patalim.

Dito na umano nagsimula ang pananaga. Nakuhanan pa ng CCTV ang suspek habang hinahabol ang biktima sa kalsada at muling tinataga. Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktima.

Naaresto rin ang suspek, na umaming ginawa niya ang krimen dahil sa galit matapos magulat sa pagkakagising. Ayon sa pulisya, kapwa may naunang kaso na ang biktima at suspek.

Samantala, kritikal naman ang isang 72-anyos na lalaki matapos tagain sa leeg ng kanyang 55-anyos na kapitbahay, na agad ding naaresto ng mga awtoridad.

Sinabi ni P/Maj. Vincent Zozobrado, hepe ng Dalaguete Municipal Police Station, na posibleng wala sa tamang pag-iisip ang suspek dahil sa umano’y pagkalulong sa marijuana.

“As per pang-imbestigar nato sa area, kanang suspect mura’g nadaot na ang hunahuna kay sige man Marijuana, unya na-priso pud gani sya mura’g karon gyud tuiga, di pa lang dugay, kay nagda-da siya og hinagiban,” ani Zozobrado. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here