Home METRO 2 dedo, 2 sugatan sa salpukan ng pickup, motorsiklo at traysikel sa...

2 dedo, 2 sugatan sa salpukan ng pickup, motorsiklo at traysikel sa Iloilo

3
0

MANILA, Philippines – Dalawang katao ang nasawi habang dalawa pa ang nasugatan matapos araruhin ng isang pickup truck ang motorsiklo at traysikel sa Bingawan, Iloilo.

Sa CCTV footage, makikitang mabilis ang takbo ng pickup truck na nagbubuga pa ng usok habang hinihila ang isang motorsiklo sa kalsada.

Bukod sa motorsiklo, nabangga rin ng pickup truck ang isang traysikel na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang katao at pagkasugat ng dalawa pa.

Ayon sa pulisya, nawalan ng kontrol ang driver sa minamanehong sasakyan kaya naganap ang aksidente.

Sumuko na sa mga awtoridad ang driver ng pickup truck at nahaharap na sa kaukulang mga kaso. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here