Home METRO 23 kaso ng ASF naitala sa 3 bayan ng Nueva Vizcaya

23 kaso ng ASF naitala sa 3 bayan ng Nueva Vizcaya

2
0

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Labis na ikinaalarma ng mga nag-aalaga ng baboy matapos makapagtala ng 23 kaso ng African Swine Fever (ASF) sa tatlong bayan dito sa Nueva Vizcaya.

Nakapagtala ang lalawigan ng Nueva Vizcaya ng 23 kaso ng African Swine Fever (ASF) ngayong taon sa mga bayan ng Kasibu, Bayombong, at Villaverde.

Ayon kay Provincial Veterinarian Dr. Patricio Moreno, nanatiling hiwa-hiwalay ang mga kaso at hindi kumalat sa iba pang lugar.

Dahil dito, mahigpit ang isinasagawang seguridad sa mga pamilihan lalo sa mga nagbebenta ng karne ng baboy sa mga nabanggit na bayan.

Samantala, naglaan ang Department of Agriculture ng tig-P10 milyong pondo para sa dalawang bayan sa ilalim ng Swine Repopulation Project upang makatulong sa muling pagpapalakas ng industriya ng pag-aalaga ng baboy sa lalawigan.

Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here