Home METRO Higit P29-M droga, nakumpiska sa Pasay

Higit P29-M droga, nakumpiska sa Pasay

1
0

PASAY – Sa ikinasang interdiction operation ng mga tauhan ng Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ay kinumpiska ang sampung abandonadong parcel na naglalaman ng ibat-ibang klase ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng mahigit P29 milyon sa isang exchange center na imbakan ng mga parcel sa Pasay City bago mananghali ng Lunes, Hunyo 15.

Sa inisyal na report ng IADITG, naganap ang interdiction operation na nagresulta sa pagkakadiskubre at pagkumpiska ng iba’t-ibang uri ng ilegal na droga bandang alas 11:30 ng tanghali sa Central Mail Exchange Center (CMEC), Domestic Road, Pasay City.

Kabilang sa mga kinumpiskang ilegal na droga ang 2,472 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P16,809,600; 5,239 gramo ng hinihinalang marijuana kush na may halagang P7,585,500; mahigit 100,000ml. ng hinihinalang liquid marijuana na nagkakahalaga ng P5,000,000; at 99 piraso ng iba’t-ibang kulay na tableta na pinaghihinalaan namang ecstasy na nagkakahalaga ng P168,300.

Ang mga kinumpiskang ilegal na droga ay idineklarang mga snacks, instant coffee powder, decorative flowers, protein shake powder, inhaler, seaweed snack, LyxPro Speaker System SPA 8 Co, Toffy Candy, Jouet pour enfant, Cruze Spun sediment water at sediment water filter kung saan nanggaling ang mga ito sa iba’t-ibang bansa na Thailand, Estados Unidos, India at Paris sa France.

Ang mga nakumpsikang eibdensya ay dinala sa PDEA Laboratory Service para isailalim sa laboratory examination.

Nahaharap ang mga sangkot na indibidwal sa kasong paglabag sa Section 4 Art. Il ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs of 2002 sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Ang NAIA-IADITG ay binubuo ng mga operatiba ng PDEA RO NCR kabilang ang Bureau of Customs – Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (BOC-CAIDTF); PNP Aviation Security Group (AVSEG); Airport Police Department (APD); PNP Drug Enforcement Group (DEG); National Bureau of Investigation (NBI); at ng Bureau of Immigration (BI).

(James I. Catapusan/mga larawan ni Jimmy Hao)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here