Home NATIONWIDE Rules-based order pinagtibay ni PBBM, Steinmeier; ugnayan ng PH, Germany, pinalalakas

Rules-based order pinagtibay ni PBBM, Steinmeier; ugnayan ng PH, Germany, pinalalakas

4
0

MANILA, Philippines – Mainit na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si German President Frank-Walter Steinmeiersa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes.

Kapuwa binigyang diin ng dalawang lider ang nakabahaging suporta para sa isang rules-based international order at mas malalim na pagtutulungan sa seguridad, kalakalan, climate action at maritime affairs.

Ang byahe ni Steinmeier ay tanda ng unang pagbisita ng isang German head of state sa Pilipinas sa loob ng 63 taon.

Winika ni Pangulong Marcos na looking forward ang Pilipinas na pawalakin ang pagtutulungan sa Germany sa ‘bilateral at multilateral fields.’

“In our meeting today, Your Excellency, we look forward to discussing with the German delegation the wide array of cooperation between our two countries, both in the bilateral and in the multilateral fields,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang opening statement para sa bilateral meeting ng dalawang lider.

Idinagdag pa ng Pangulo na ang Pilipinas at Germany ay “very much like-minded on the important issues of our times” at magbahagi ng mga alalahanin ukol sa global challenges na makaaapekto sa kapayapaan at katatagan.

Para kay Steinmeier, binigyang diin nito ang malapit na pagkakahanay sa pagitan ng Maynila at Berlin sa international issues sa kabila ng matagal na agwat sa pagitan ng presidential visits.

“We are defending the rules-based order, we are defending the United Nations, the international law. So, therefore, in our positions we are both very close,” ang sinabi ni Steinmeier.

Isiniwalat din ni Steinmeier na ang kanyang makasaysayang pagbisita ay orihinal na naka-iskedyul nitong Marso subalit ipinagpaliban dahil sa tensyon sa Gitnang Silangan at pansamantalang pagsasara ng airspace sa Gulf region.

Ayon sa Malakanyang, inaasahan na hihimaying mabuti ng dalawang lider ang mga mahahalagang larangan gaya ng ‘defense cooperation, peacebuilding initiatives, maritime collaboration, trade and investment, climate change, renewable energy at people-to-people exchanges.’

Nakatakda ring magpalitan ng pananaw ang mga ito ukol sa ‘regional at international developments.’

Ang pagbisita ni Steinmeier sa Pilipinas ay sa gitna ng umiigting na pagtutulungan ng Maynila at European partners pagdating sa maritime security at promosyon ng rules-based international order sa Indo-Pacific region. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here