Home NATIONWIDE BPI mobile banking, muling nagka-aberya ilang oras matapos maibalik

BPI mobile banking, muling nagka-aberya ilang oras matapos maibalik

7
0

MANILA, Philippines – Muling nakaranas ng aberya ang mobile banking services ng Bank of the Philippine Islands (BPI) noong Martes, ilang oras lamang matapos nitong ianunsyo na naibalik na ang access kasunod ng ilang araw na pagkakaroon ng system disruption.

Sa advisory na inilabas bandang 6 a.m., sinabi ng BPI na naibalik na ang mobile banking services matapos maapektuhan ng hindi inaasahang network connectivity issues ang kanilang sistema. Nagbabala rin ang bangko na maaari pang makaranas ang mga customer ng mabagal na serbisyo habang bumabalik sa normal ang dami ng transactions.

Gayunman, bandang 1 p.m. ng parehong araw, muling nakaranas ng problema ang mga gumagamit ng BPI app at online banking.

Nagsimula ang aberya noong Hunyo 14, nang hindi ma-access ang online banking channels ng BPI, kabilang ang mobile app, third-party logins, at ilang card transactions.

Sa mga sumunod na araw, tiniyak ng bangko na gumagana pa rin ang mga sangay, ATM, at cash accept machines, at hindi naapektuhan ang payroll crediting ng mga corporate clients.

Patuloy na mino-monitor ng BPI ang sistema nito habang isinasagawa ang pag-stabilize ng digital banking services. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here