MANILA, Philippines – Nakapagmonitor ang Philippine Navy ng 26 barko ng China sa West Philippine Sea mula Hunyo 9 hanggang 15, 2026.
Mas mababa ito kumpara sa 41 Chinese vessels na naitala noong Hunyo 2 hanggang 8.
Ayon sa Philippine Navy, ang mga barko ay namataan sa mga sumusunod na lugar:
-Ayungin Shoal – 3 China Coast Guard (CCG) vessels
-Bajo de Masinloc – 3 CCG vessels at 4 People’s Liberation Army Navy (PLAN) vessels
-Escoda Shoal – 3 CCG vessels at 2 PLAN vessels
-Pag-asa Islands – 3 CCG vessels at 1 PLAN vessel
Sa kabuuan, may 19 CCG vessels at 7 PLAN vessels na namataan.
Ang PLAN vessels ay mga barkong pandigma ng militar ng China, habang ang CCG vessels ay ginagamit para sa maritime law enforcement at pagpapatrolya.
Patuloy ang tensyon sa West Philippine Sea dahil sa malawak na pag-aangkin ng China sa halos buong South China Sea, kabilang ang mga lugar na inaangkin din ng Pilipinas.
Noong 2016, nagpasya ang Permanent Court of Arbitration pabor sa Pilipinas at sinabing walang legal na batayan ang malawak na pag-aangkin ng China sa South China Sea. Gayunman, hindi kinikilala ng China ang naturang desisyon. RNT/MND