Manila, Philippines – Inanunsyo na ng Kapuso network na magbabalik ang ikatlong edisyon ng PBB Celebrity Collab Edition ngayong Oktubre.
May pa-teaser pa ito sa isang plug na may bago silang kasama kung saan nakasulat in bold ang mga letrang M at S.
Agad namang nakutuban ng kibitzers na may bagong co-host ang nasabing reality show sa tradisyon nina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Gabbi Garcia, Melai Cantiveris, Enchong Dee at Alexa Ilacad.
Nag-one plus one agad ang netizens at tinumbok ang pangalan ni Michael Sager na positibo ang naging feedback ng performance bilang host sa isang pageant.
Sa umpukan ng mga tsismosang kapitbahay, ligwak ang pangalan ni Mavy Legaspi na naging co-host sa Season 2 ng show na umani noon ng pang-ookray ang istilo ng hosting.
Ito ang ilan sa komento ng mga nagmamarisol.
“At least they know how to listen to feedback.”
“Good thing you upgraded. Michael Sager, good choice, he’s got some charm, huh.”
“Correct decision and thank you.”
“Baka kasi may new show si Mavy with Ralph and AZ.”
“Good choice. Michael is a great host.”
“FINALLY! They granted it, so that’s good enough. Let’s go with someone who truly has talent in hosting.”