Mexico City, Mexico – Walang hindi nakakakilala sa Mexican actress na si Thalia.
Maituturing na showbiz icon siya noon dahil minahal ng mga Pinoy ang pinasikat niyang TV character sa mga hits series na Marimar, Rosalinda, Maria Mercedes at Maria la del Barrio.
Kasama si Thalia sa mga nagpaabot ng kanyang pakikidalamhati sa mga naapektuhan ng 7.8 magnitude sa Mindanao kamakailan.
Sa kanyang X account, ipinost ng Mexican actress ang nadaramang lungkot dulot ng nasabing sakuna.
Aniya: “Philippines, I’m deeply saddened by the news of the earthquake.”
Dagdag ni Thalia: “Keeping everyone affected in my thoughts and prayers, and sending love, strength and light during this difficult time.”
Kasalukuyan nang nasa ilalim sa state of calamity ang General Santos City.
Ayon naman sa DepEd, aabot sa 6,224 ang bilang ng mga paaralang naapektuhan sa rehiyon ng Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao, SOCCSARGEN at CARAGA. Ronnie Carrasco III