Home NATIONWIDE Agricultural Information System vs. Super El Niño, ikakasa ni Gatchalian

Agricultural Information System vs. Super El Niño, ikakasa ni Gatchalian

3
0

MANILA, Philippines – Habang naghahanda ang bansa sa epekto ng El Niño, binigyang-diin ni Senate President Pro Tempore Win Gatchalian ang pangangailangan para sa isang agricultural information system upang mapigilan ang manipulasyon sa presyo ng mga pangunahing pagkain.

Sa pahayag, sinabi rin ni Gatchalian na layunin ng panukala na matiyak ang mga interbensiyong nakabatay sa datos para maprotektahan ang mga konsyumer at magsasaka.

“Upang mapigilan ang price manipulation na nagpapataas ng halaga ng pagkain tuwing may mga kalamidad tulad ng El Niño, kailangan natin ng isang agricultural information system na magbibigay ng maayos na datos hinggil sa mga pangunahing bilihin,” aniya.

“Kailangan din ng ganitong sistema upang makatulong sa mga magsasaka na makakuha ng patas na halaga para sa kanilang ani,” ani pa ni Gatchalian sa Senate Bill No. 1653, o ang Agriculture Information System (AIS) Act.

Sa usapin ng bigas, halimbawa, sinabi ni Gatchalian na nagbabala na ang Department of Agriculture (DA) na ang malubhang El Niño ay maaaring magpababa sa produksyon ng bigas nang hanggang 700,000 metric tons.

Posible aniya itong magdulot ng pagtaas ng importasyon na maaaring magpahina sa lokal na produksyon.

“Ang AIS ay magbibigay ng kailangang impormasyon para mapalakas ang farm production sa bansa upang makamit natin ang food security at mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pagkain,” dagdag pa niya.

Ang iminumungkahing AIS ni Gatchalian ay magiging isang online database na pamamahalaan ng DA. Kukunin nito ang real-time na datos ng supply and demand para sa mga produkto ng agrikultura at pangingisda, kabilang ang impormasyon sa produksyon mula sa mga magsasaka sa bawat barangay.

Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here