Home NATIONWIDE Pinas, Nicaragua tinintahan unang bilateral deal sa political talks

Pinas, Nicaragua tinintahan unang bilateral deal sa political talks

1
0

MANILA, Philippines – NILAGDAAN ng Pilipinas at Nicaragua ang bilateral agreement ukol sa pagtatatag ng political consultations, na nagbibigay ng mas malalim na dimensyon sa ugnayan ng dalawang bansa simula nang maitatag ang kanilang diplomatic relations limang dekada na ang nakalilipas.

Pinirmahan ni Philippine Ambassador to Nicaragua Arvin de Leon ang kasunduan kasama ang kanyang Nicaraguan counterpart sa Mexico, Ambassador Juan Carlos Gutiérrez Madrigal, sa Mexico City.

Sa kabilang dako, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nilagdaan ang memorandum of understanding nitong Philippine Independence Day, Hunyo 12, bilang tanda ng kauna-unahang kasunduan na napagkasunduan sa pagitan ng dalawang bansa simula nang maitatag ang kanilang pormal na relasyon noong Agosto 10, 1973.

Inaasahan na ang kasunduan ay magsisilbing balangkas tungo sa pagtatatag ng isang plataporma kung saan maaaring mag-usap ang dalawang bansa at galugarin ang mga posibilidad ng kooperasyon sa mga larangan ng kapwa interes.

“After the signing, both sides agreed to work more closely in the soonest implementation of the agreement which would open the door towards a more constructive and results-oriented engagement between the Philippines and Nicaragua,” ayon sa DFA.

Samantala, naging aktibo ang administrasyong Marcos sa pakikipag-ugnayan sa mga non-traditional partner upang mapahusay ang bilateral cooperation at kalakalan.

(KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here