Home METRO Kelot pinagtataga ng mag-ama sa away-lupa sa Rizal

Kelot pinagtataga ng mag-ama sa away-lupa sa Rizal

1
0

RODRIGUEZ, Rizal — Sugatan ang isang lalaki matapos umanong pagtatagain ng mag-amang suspek dahil sa alitan sa lupa sa Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal.

Ayon sa pulisya, nasa pinag-aagawang lote ang biktima nang lapitan siya ng mga suspek na may edad 65 at 31, na nauwi sa marahas na komprontasyon.

Ayon kay witness Marilyn Seco, nakita niyang hinabol ng mga suspek ang biktima habang may dalang itak.

“Nakita ko po may humabol na tumakbo rin pong may dala-dalang itak, tapos ginawa po ng anak sa nataga is nagsuntukan po sila,” ani Seco.

“’Yung tinaga, natumba, doon po pinagtataga ng matanda, ‘yung tatay po, noong unang tumakbo,” dagdag niya.

Agad umanong nagbigay ng paunang lunas si Seco habang hinihintay ang pagdating ng ambulansya dahil sa matinding pagdurugo ng biktima.

Naaresto na ang dalawang suspek at sasampahan ng kasong frustrated homicide. Tumanggi naman silang magbigay ng pahayag kaugnay ng insidente.

Samantala, nakalabas na ng ospital ang biktima at nasa maayos nang kondisyon. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here