Home NATIONWIDE BPI mobile app balik-operasyon matapos system disruption

BPI mobile app balik-operasyon matapos system disruption

4
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Bank of the Philippine Islands (BPI) nitong Martes na muli nang online ang mobile banking application nito matapos makaranas ng aberya dulot ng network connectivity issues.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng bangko na maaari pa ring makaranas ng mabagal na serbisyo ang ilang kliyente habang unti-unting ibinabalik ang lahat ng functionality ng mobile app kasabay ng mataas na bilang ng mga transaksyon.

“At present, clients may experience slower response times due to elevated transaction volumes as access to services in the mobile app is progressively re-established,” ayon sa BPI.

Nilinaw ng bangko na may ilang feature pa ring pansamantalang hindi available upang mapanatili ang katatagan ng sistema, ngunit maaari nang ma-access ang mga pangunahing serbisyo gaya ng account viewing at transaction history.

“Transaction capabilities are being restored in a controlled and phased manner,” dagdag nito.

Tiniyak din ng BPI na ligtas ang lahat ng account, balanse at personal na impormasyon ng kanilang mga kliyente.

Nagsimulang magreklamo ang ilang kustomer noong Linggo matapos umano silang hindi makapag-log in sa kanilang mga account gamit ang electronic banking channels ng bangko. Gayunman, nanatiling operational ang mga ATM, Cash Accept Machines at mga sangay ng BPI habang inaayos ang problema. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here