Home METRO 3 hinihinalang tulak, 2 wanted arestado sa Cavite City

3 hinihinalang tulak, 2 wanted arestado sa Cavite City

4
0

CAVITE CITY, Philippines – Limang katao ang naaresto ng mga pulis sa magkakahiwalay na operasyon sa Cavite City. Tatlo sa kanila ang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, habang dalawa ang may warrant of arrest dahil sa paglabag sa Animal Welfare Act of 1998.

Dakong alas-4:46 ng hapon nang maaresto ang isang high-value individual sa buy-bust operation sa Cavite City Public Cemetery, Barangay 48.

Narekober sa operasyon ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P4,352, at dalawang tig-P100 na buy-bust money.

Dakong alas-8:42 ng gabi, dalawa pang hinihinalang drug personality ang naaresto sa buy-bust operation sa Llamado Street, Barangay 12.

Nasamsam sa kanila ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 0.63 gramo at standard drug price na P4,284. Narekober din ang isang plastic sachet na may basketball card at dalawang tig-P100 na hinihinalang ginamit sa transaksiyon.

Samantala, dalawang indibidwal ang inaresto ng warrant personnel sa Barangay 26, Cavite City, dakong alas-5:00 at alas-6:00 ng gabi.

Kapwa sila nahaharap sa kasong paglabag sa Animal Welfare Act of 1998 o Republic Act 8485, na inamyendahan ng Republic Act 10631.

Ang mga warrant of arrest ay inilabas noong Oktubre 8, 2026 ni Judge Mederlyn Presa Mangalindan ng Municipal Trial Court in Cities, Branch 1, Cavite City.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang dalawang akusado. Itinakda ang inirekomendang piyansa sa P6,000 para sa isa at P18,000 naman para sa isa pa. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here