MANILA, Philippines – Magkakaroon ng pansamantalang water service interruption sa ilang bahagi ng National Capital Region at Rizal mula Hunyo 16 hanggang Hunyo 20 dahil sa emergency repair at maintenance activities ng Manila Water.
Ayon sa abiso ng Manila Water, isinasagawa ang mga maintenance activity upang mapanatili ang sapat at ligtas na suplay ng inuming tubig habang ang emergency repairs ay para mapabilis ang pagbabalik ng normal na serbisyo at mabawasan ang water losses.
“Manila Water is advising all residents of affected areas to store enough water to supply their needs during any service improvement activity,” ayon sa Manila Water.
Pinayuhan din ng kumpanya ang mga residente na paagusin muna ang tubig mula sa kanilang gripo sa loob ng ilang minuto matapos maibalik ang serbisyo hanggang luminaw ito.
Narito ang mga apektadong lugar at iskedyul:
Hunyo 16 hanggang Hunyo 17; 9 p.m. hanggang 4 a.m.
-Rodriguez, Rizal (San Jose)
Hunyo 16 hanggang Hunyo 17; 10 p.m. hanggang 4 a.m.
-Quezon City (Matandang Balara, Bagumbayan)
-Pasig City (Barangay Pinagbuhatan)
-Baras, Rizal (bahagi ng Barangay Pinugay)
-Antipolo City (bahagi ng Barangay Cupang at Barangay Mayamot)
-Marikina City (Barangay Concepcion Dos)
Hunyo 17 hanggang Hunyo 18; 10 p.m. hanggang 4 a.m.
-Quezon City (Pasong Tamo)
Hunyo 18 hanggang Hunyo 19; 10 p.m. hanggang 4 a.m.
-Rodriguez, Rizal (San Jose)
-San Mateo, Rizal (Silangan)
-Angono, Rizal (Barangay San Isidro, Barangay Santo Niño at Barangay San Vicente)
Hunyo 19 hanggang Hunyo 20; 10 p.m. hanggang 4 a.m.
-Pasig City (Barangay Pinagbuhatan)
-Quezon City (Pansol)
Santi Celario






