Home METRO Parak utas sa salpok sa center islandMETRONATIONWIDETOP STORIES Parak utas sa salpok sa center islandJune 17, 2026 18:14170 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Patay ang isang pulis matapos bumangga sa center island ang minamaneho niyang motorsiklo sa Cagayan de Oro City.Base sa imbestigasyon, nangyari ang insidente noong Lunes, Hunyo 15, sa Gran Europa, Barangay Lumbia.Batay sa paunang imbestigasyon, pauwi na mula sa kaniyang duty ang biktimang patrolman nang mangyari ang aksidente.Tinitingnan ng mga awtoridad ang posibilidad na may iniwasan ang biktima kaya nawalan siya ng kontrol sa motorsiklo at bumangga sa center island.Isinugod pa sa ospital ang pulis ngunit binawian din ng buhay makalipas ang ilang sandali.Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Police Regional Office-Northern Mindanao (PRO-10) sa naulilang pamilya ng biktima. Mary Anne Sapico