Home NATIONWIDE PCG nagbigay abiso sa publiko ukol sa “rip current”

PCG nagbigay abiso sa publiko ukol sa “rip current”

3
0
NAGLALAKIHANG alon ang humahampas sa Navotas seawall dahil sa lakas ng hangin dala ng bagyong Uwan. JOJO RABULAN

MANILA, Philippines – Kasunod ng nangyaring trahedya sa pagkamatay ng dalawang student-athlete sa Dipaculao, Aurora, nagbigay ang Philippine Coast Guard (PCG) ng ilang paalala sa publiko kung paano makaiiwas sa tinatawag na “rip current” at sa mga panganib at hamon na maaari nitong idulot sa isang indibidwal.

Ayon kay PCG Special Operations Force Captain Brummel Magalong, ang rip current ay malalakas na agos ng tubig kung saan maaaring tangayin ang isang indibidwal palayo sa dalampasigan patungo sa malalim na bahagi ng dagat.

Dagdag pa ni Magalong, malalakas ang mga alon sa Dipaculao, Aurora dahil nakaharap ito sa Pacific Ocean.

May direktiba naman aniya ang PCG sa mga beach resort owner na maglagay ng mga karatula upang mabigyang-paalaala ang mga naliligo sa dagat na maging mas maingat at manatiling alerto.

Paalala ng opisyal, sakaling tangayin ng rip current mula sa dalampasigan papunta sa malalim na bahagi ng dagat, pinayuhan ang mga beachgoer na huwag labanan ang agos at manatiling kalmado.

“Napakaimportante na mapagmatyag kapag tayo ay naliligo sa dagat at tingnan kung saan ang mga delikadong lugar,” pahayag ni Magalong, na nagsabing dapat iwasan ang mga lugar na may rip current.

Sinabi ni Magalong na makikita ang palatandaan na may rip current sa isang lugar kapag iba ang kulay o hindi malinaw ang tubig at posibleng may mga bula o floating debris na mabilis na pumapailalim at palayo sa dalampasigan.

Kapag ganito aniya ang sitwasyon sa lugar, maituturing itong hindi ligtas o mapanganib para sa anumang water activities dahil sa lakas ng agos nito o rip current.

Dapat aniya ay lumangoy pakaliwa o pakanan hanggang sa makalabas sa rip current bago lumangoy pabalik sa dalampasigan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here