Home NATIONWIDE ‘End-to-End’ upgrade sa PH borders, kailangan – BI

‘End-to-End’ upgrade sa PH borders, kailangan – BI

7
0

MANILA, Philippines — Kailangan ng Pilipinas ng isang ganap na integrated at pambansang sistema ng seguridad sa hangganan na higit pa sa NAIA — isang sistemang gumagamit ng artificial intelligence, biometrics, at real-time data sorting upang hulihin ang mga human trafficker, terorista, at iba pang kriminal bago pa man sila makatawid sa mga pintuan ng bansa.

Ayon sa Bureau of Immigration, ang iminungkahing Civil Aviation and Immigration Security Services (CAISS) project ay eksaktong nag-aalok niyan, nang hindi gumagastos ang gobyerno kahit isang piso.

Sa isang panayam kamakailan, inilahad ni BI spokesperson Dana Sandoval ang nag-udyok para sa P10.74-bilyong unsolicited proposal para sa isang Public-Private Partnership (PPP) project na kasalukuyang nasa ilalim ng interagency review.

Binigyang-diin niya ang end-to-end na kakayahan nito at potensyal na isulong ang teknolohiya ng Pilipinas.

“Ang kagandahan po nitong proyektong ito ay end-to-end. So mula frontline, data processing, data collection, data assessment, pino-provide po nitong entire system na ito,” sabi ni Sandoval. “At hindi po ito centralized lang in NAIA.”

Tinukoy niya ang pambansang maabot ng proyekto – lahat ng 11 international airports isang international seaport sa Zamboanga, at 6 na border crossing station.

“So, lahat po yan ay magpo-provide ng end-to-end, meaning yung mga electronic gates and the data processing, the AI processing, the biometrics capturing,” aniya.

Pag-target sa mga kriminal

Higit sa mas mabilis na pagproseso, idiin ni Sandoval na ang CAISS ay magbibigay sa mga awtoridad ng isang makapangyarihang bagong kasangkapan upang masuri ang mga pasahero nang matalino.

“Meron din tayong pwedeng maglagay ng parameters para ma-sort yung mga data or information, and it would be able — pwede nating gamitin yun para sa target approach natin when it comes to monitoring certain passengers,” paliwanag niya.

“So, napakaganda po nung system, that’s why it’s being considered by the agency — it will boost us up technology-wise, ihahabol niya tayo doon sa ibang mga bansa.”

Teknolohiya na nire-refresh bawat 4 na taon

Binigyang-diin ni Sandoval ang isang mahalagang tampok ng panukala: isang garantisadong four-year refresh cycle na nagpapanatili sa BI sa pinakabagong teknolohiya nang walang karagdagang gastos sa publiko.

“Merong 4-year refresh cycle ng technology, so ginagarantiya nito na yung BI uses the latest technology without added burden to the government,” sabi niya.

Binigyang-diin din niya ang makabagong financing model ng proyekto, na umaasa lamang sa user fees mula sa mga aktwal na gumagamit ng sistema.

“Kasi ito ay magkakaroon ng zero financial burden to the government dahil ang gagamit lang. Kung sino lang yung gagamit, yun lang po ang magbabayad nung serbisyo na iyon,” sabi ni Sandoval. “Yung mga kababayan po natin na hindi naman gagamit ng serbisyong ’yon will not be burdened financially by this service.”

Nakumpleto ang Swiss challenge, walang counter-offer

Ang panukala mula sa proponent ay sumailalim na sa Swiss challenge — isang mapagkumpitensyang proseso na nag-aanyaya sa ibang kumpanya na magsumite ng mas mahusay o mas murang mga alok.

“Nagkaroon din po ng Swiss challenge. Binuksan po ito sa lahat ng mga tao na maaaring merong counter-offer, counter-proposal, a better proposal for the Philippine government,” sabi ni Sandoval. “The agency went as far as sending out letters to inform yung mga kumpanya na gumagawa po ng mga ganitong technologies na baka meron silang other offers — at wala pong iba na nagbigay ng counter-offer.”

Ang proyekto ay sinuri ng Department of Finance, Department of Justice, at Office of the Solicitor General. Nilinaw naman ni Sandoval na wala pang kontratang napipirmahan at walang koleksiyong ginagawa.

“Ngayon po, the project is not yet final. Ibig sabihin po, wala pa pong napipirmahang kontrata, hindi pa po na-finalize ang buong kasunduan. Sa ngayon po, wala pa po tayong inaasahan na sinasabi po na meron nang mga collection or sisingilin for this project,” sabi niya.

Pagbabalanse ng seguridad at opinyon ng publiko

Tinatanong kung paano babalansehin ng gobyerno ang halaga ng modernisasyon laban sa kapakanan ng ordinaryong manlalakbay na Pilipino, iginiit ni Sandoval ang maselang katangian ng desisyon.

“It’s a delicate balance ng ano ba ang maitutulong nito sa ating bansa in general, as well as ano ba yung mga cost nito. Kailangan nating balansehin yun,” sabi niya.

“Mahalaga din sa atin yung opinyon ng publiko, ng ating mga stakeholders, kung ano yung sa tingin nila ay makakabuti.”

Idinagdag niya na sinusunod ng BI ang direksyon ng national government at ng Pangulo pagdating sa pagkuha ng mga naturang teknolohiya.

“Tandaan po natin, this is a proposal from a private company at ngayon po ay nag-u-undergo pa ng assessment bago natin i-finalize po ang desisyon nito,” sabi niya.

Ang CAISS project, kung maaprubahan, ay sasaklaw sa lahat ng pangunahing international gateways, kabilang ang NAIA, Clark, Davao, Mactan-Cebu, Boracay, Iloilo, Kalibo, Laoag, Bohol-Panglao, Puerto Princesa, at Zamboanga airports, plus ang Zamboanga seaport at anim na border crossing station. Kabilang dito ang advanced passenger information systems, automated border control na may contactless face pass, biometric kiosks, criminal record search engine, at deception detection tools.

Sumusunod sa mga pamantayan ng International Civil Aviation Organization (ICAO) sa biometrics at border security, kasama sa CAISS ang advanced passenger information systems, automated border control na may contactless face pass, biometric kiosks, criminal record search engines, deception at detection tools.

Ang ICAO ay ahensya ng UN sa Montreal, Canada, na nagtatakda ng mga pamantayan at kasanayan para sa internasyonal na pag-navigate sa himpapawid.

Sa ngayon, ang panukala ay nananatiling nasa ilalim ng assessment. Ngunit malinaw ang mensahe ni Sandoval na mayroon nang teknolohiya, sakop nito ang buong border, at walang upfront cost sa gobyerno — isang proyekto na makakatulong habang naghahabol ang Pilipinas sa teknolohiya ng mga kapitbahay nito sa rehiyon ng ASEAN at iba pang bansa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here