MANILA, Philippines — Inatasan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang may-ari at contractor ng gumuhong gusali sa Angeles City, Pampanga na magbayad ng mahigit P11 milyon kaugnay ng mga paglabag sa karapatan ng mga manggagawa at sa insidenteng ikinasawi ng nasa 30 katao.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Labor Secretary Francis Tolentino na kabuuang P1,102,798.50 ang dapat bayaran sa 57 construction workers bilang hindi naibigay na sahod sa panahon ng work stoppage order, kakulangan sa pasahod, hindi nabayarang rest day premium, at holiday pay.







