Home NATIONWIDE Higit 700 NPA, na-neutralize sa 2026 – AFP

Higit 700 NPA, na-neutralize sa 2026 – AFP

3
0

MANILA, Philippines — Aabot sa 709 miyembro ng New People’s Army (NPA) at kanilang mga tagasuporta ang na-neutralize ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula Enero 1 hanggang Hunyo 11 ngayong taon.

Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, kabilang sa bilang ang 621 sumuko, 31 naaresto, at 57 napatay sa iba’t ibang operasyong militar sa buong bansa.

Bukod dito, nasa 503 iba’t ibang uri ng baril at 122 anti-personnel mines ang nasamsam o isinuko sa parehong panahon.

Nabawi rin ng militar ang 30 kampo ng NPA sa isinagawang mga operasyon.

“Beyond the numbers, ang tunay na sukatan ng tagumpay ay ang mas maraming komunidad na namumuhay ng payapa at ligtas. Napapakita pa ito sa dami ng numero ng mga nag-surrender as opposed to those results in operations,” ani Padilla.

Noong 2025, iniulat ng AFP na 2,018 miyembro at tagasuporta ng NPA ang na-neutralize sa buong taon. Sa bilang na ito, 1,798 ang sumuko, 93 ang naaresto, at 127 ang napatay.

Nasa 1,134 na baril at 531 anti-personnel mines din ang nasamsam o isinuko noong nakaraang taon, habang 149 na kampo ng NPA ang nabawi ng militar. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here