Home NATIONWIDE Cayetano, walang hinanakit sa pagtawid nina Chiz, Villanueva kay Gatchalian

Cayetano, walang hinanakit sa pagtawid nina Chiz, Villanueva kay Gatchalian

4
0

MANILA, Philippines – Inihayag ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules na wala siyang hinanakit sa mga kagrupong senador na lumipat para makumpleto ang bagong Senate Majority, at nagpasalamat sa mga nanatili na piniling panindigan ang kanilang prinsipyo.

Sa kanyang social media account, sinabi ito ni Cayetano ilang oras bago ang special session ng Senado noong Hunyo 17, 2026, matapos ang ilang linggong pag-angkin sa awtoridad sa kapulungan na may hayagang suporta ng Malacañang.

“Let me thank those who stood with us when standing was the harder path. You chose principle over power and position, and you paid for it in ways the public may never fully see,” pahayag ni Cayetano sa kanyang Facebook post.

Partikular niyang pinasalamatan si Senador Jinggoy Estrada at ang pamilya nito sa kanilang “deep personal sacrifice,” gayundin si Senador Rodante Marcoleta sa hindi aniya pagyuko nito sa pressure kahit pa kaliwa’t kanan ang “threats of arrest” na natatanggap nito.

“I will not forget it, and I will not let it count for nothing. The struggle for a better Philippines, for truth, does not end here, it has only just begun,” pahayag ni Cayetano.

Noong Hunyo 3, lumantad si Senador Chiz Escudero kaya nakumpleto ang grupo ni Senate President Sherwin Gatchalian at nahalal ang huli bilang Senate President Pro Tempore.

Nitong Miyerkules, sa pagbubukas ng special session na ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tuluyan nang tumawid si Senador Joel Villanueva kaya nakumpleto ang 13 miyembro na naghalal kay Gatchalian bilang Senate president.

Una nang ibinunyag ng dating Senate president na may mga senador mula sa kanyang grupo na tinatakot ng ilang taga-administrasyon na kakasuhan kung hindi lilipat sa kabilang bloc.

Hindi nagtagal, inaresto nga sa loob ng Senado si Estrada dahil sa umano’y kasong graft, kasunod ng public statement nitong mananatili siya sa Cayetano bloc.

Tungkol naman sa isa niyang lumipat na kagrupo na hindi niya pinangalanan, sinabi ni Cayetano na naiintindihan niya ang kalagayan nito. Aniya, posibleng “[that senator] felt he had no choice but to make peace with the new reality.”

“I hold no bitterness toward you. I have seen the pressures that were brought to bear, and I understand them,” pahayag ni Cayetano.

“We are not enemies — only colleagues, brothers caught in a moment larger than us all,” dagdag niya.

Hindi naman aniya siya nalulungkot dahil nawala sa kanya ang Senate presidency dahil alam niyang anumang posisyon “was never mine to keep.”

Ang mas masakit, aniya, ay ang makitang unti-unting nahuhulog sa kadiliman ang bansa habang nagpapatuloy ang malakihang korapsyon at habang may ilan sa gobyerno at media ang pinipiling tumalikod kapag mas pabor sa kanila ang manahimik.

“That is the real loss. Not a gavel, but a conscience,” ani Cayetano.

Muli niyang pinanindigan na ang puno’t dulo ng hidwaan sa liderato ng Senado ay ang katotohanan sa likod ng bilyun-bilyong flood-control funds na nawala sa mga ghost project, mga pondong nagamit sana aniya para protektahan ang mga komunidad.

“That is the fight that began all of this — one side wanted to bring it out, the other was desperate to keep it covered. And it is a fight that we intend to continue, no title or position required,” pahayag ni Cayetano.

Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here