Home NATIONWIDE Villanueva: Paglipat sa bagong mayorya, ‘for work’

Villanueva: Paglipat sa bagong mayorya, ‘for work’

3
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senador Joel Villanueva na ang kanyang paglipat sa bagong mayorya sa Senado ay nakatuon sa pagpapatuloy ng trabaho at pagsusulong ng mga panukalang batas.

“For work,” ani Villanueva sa mga mamamahayag nang tanungin tungkol sa kanyang desisyon na lumipat sa bagong majority bloc.

“Trabaho na tayo,” dagdag niya.

Ang paglipat ni Villanueva ay nagbigay sa bagong mayorya ng sapat na bilang upang makapili ng bagong lider ng Senado, dahilan upang tanggapin ni Senador Alan Peter Cayetano na hindi na siya mananatiling Senate president.

Nauna nang sinabi ni Cayetano na kinikilala niya ang bagong balanse ng pwersa sa Senado matapos lumipat si Villanueva sa kabilang kampo.

Kasunod nito, pormal na nahalal si Senador Sherwin Gatchalian bilang bagong Senate president, na nagtapos sa dalawang linggong sigalot sa liderato ng mataas na kapulungan.

Sa special session, si Senador Juan Miguel Zubiri ang nagmungkahi kay Gatchalian para sa posisyon. Ayon naman kay Senador Francis Pangilinan, nagkaisang bumoto ang 13 senador na dumalo sa sesyon pabor kay Gatchalian.

Idineklara ang quorum matapos dumalo ang 13 senador, kabilang sina Senador Francis “Chiz” Escudero at Senador Joel Villanueva, na dating kabilang sa grupo ni Cayetano. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here