Home NATIONWIDE Bagong miyembro ng Commission on Appointments, inihalal ng Kamara

Bagong miyembro ng Commission on Appointments, inihalal ng Kamara

4
0

MANILA, Philippines – Inihalal ng House of Representatives ang mga bagong miyembro na kakatawan sa Commission on Appointments (CA).

Sa isinagawang special session na ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kabilang sa mga bagong halal na miyembro ng CA mula sa Kamara sina Deputy Speaker at La Union Rep. Francisco Paolo Ortega V, TGP Party-list Rep. Jose Teves Jr., Quezon City Rep. Franz Pumaren, Quezon Rep. Wilfredo Mark Enverga, at Negros Occidental Rep. Mercedes Alvarez.

Sila ang papalit sa mga puwestong iniwan nina Camiguin Rep. Jesus Romualdo, Abono Party-list Rep. Robert Raymond Estrella, Agusan del Sur Rep. Eddiebong Plaza, Cavite Rep. Roy Loyola, at Camarines Sur Rep. Arnie Fuentebella.

Sa bisa ng Proclamation No. 1318, ipinatawag ni Pangulong Marcos ang special session ng Kongreso para sa dalawang mahalagang dahilan. Una, upang mapabilis ng magkabilang kapulungan ang pagpasa sa walong natukoy na priority measures at upang bigyang-daan ang CA na magpulong at aksyunan ang mga itinalaga sa gabinete, militar, at foreign service.

Dahil dito, nakatakda nang talakayin ng CA ang kumpirmasyon ng walong Cabinet members, limang heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP), at iba pang mga itinalaga sa mga diplomatikong posisyon.

Ang CA ang ahensyang may mandato sa ilalim ng batas na magkumpirma o magbasura sa mga itinatalaga ng Pangulo sa mataas na posisyon sa gobyerno. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here