Home HOME BANNER STORY Obstruction of justice case vs Padilla, ibinalik ng DOJ sa CIDG

Obstruction of justice case vs Padilla, ibinalik ng DOJ sa CIDG

3
0

MANILA, Philippines – Ibinalik ng Department of Justice (DOJ) sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang reklamong obstruction of justice laban kay Senador Robin Padilla sa umano’y pagtulong nito na makatakas si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa noong Mayo 14 sa Senado.

Ayon kay Justice Secretary Frederick Vida, hiniling ng investigating prosecutor ang karagdagang dokumento at sinumpaang salaysay mula sa ilang indibidwal na sangkot sa kaso.

Samantala, nagpadala rin aniya ang DOJ ng isang liham kay Atty. Jimmy Bondoc, abogado ni Dela Rosa, upang humingi ng paglilinaw sa ilang pahayag nito kaugnay ng pagpapatupad ng warrant of arrest laban sa senador.

Si Dela Rosa ay may warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC), na in-unseal noong Mayo 11 kasabay ng kanyang paglitaw sa Senado matapos ang ilang buwang pagliban.

Isinailalim siya sa protective custody ngunit kalaunan ay palihim na umalis noong Mayo 14, ilang oras matapos ang putukan sa Senate building.

Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here