Home HOME BANNER STORY DMW nagkaloob ng P13.76M livelihood aid sa mga returning OFWs

DMW nagkaloob ng P13.76M livelihood aid sa mga returning OFWs

4
0

MANILA, Philippines – Naglabas ang Department of Migrant Workers (DMW), katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno, ng ₱13.76 milyon na livelihood assistance para sa mga returning overseas Filipino workers (OFWs) sa ilalim ng National Reintegration Network (NRN).

Ayon sa DMW sa isang news release noong Miyerkules ng gabi, batay sa datos noong Hunyo 8, umabot na sa 5,769 dating at repatriated OFWs ang nakatanggap ng tulong mula sa programa.

Sa bilang na ito, 5,013 ang dating OFWs habang 756 naman ang mga bagong repatriated workers.

“Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy na isinasagawa ng DMW, kasama ang iba’t ibang ahensiyang bahagi ng NRN, ang komprehensibong pagsuporta sa trabaho, kabuhayan, at kapakanan ng ating mga kababayang OFW na nais manatili at magsimula muli sa Pilipinas,” ayon sa ahensya.

Layunin ng NRN na tulungan ang mga OFW na magtayo ng maliit na negosyo, makahanap ng trabaho, o makapag-reintegrate sa bansa matapos ang kanilang trabaho sa abroad.

Ayon sa DMW, bahagi ito ng mas malawak na reintegration program para matulungan ang mga migrant worker na makapagsimula muli ng kabuhayan sa Pilipinas.

Nagbigay rin ang ahensya ng entrepreneurship training para sa mga benepisyaryo upang ihanda sila sa pagtatayo ng negosyo.

Bukod dito, may job matching, skills training, at psychosocial support din na ibinibigay sa mga OFW at kanilang pamilya.

Sa kabuuan, umabot na sa 28,361 serbisyo ang naipagkaloob ng DMW, kabilang ang job referrals, training vouchers, scholarships, at welfare support.

May 2,467 ang natulungan sa job matching, habang daan-daang kumpanya at recruitment agencies ang lumahok sa programa.

Nagbigay rin ng psychosocial support sa 690 repatriated OFWs sa pamamagitan ng Kalinga post-repatriation orientation seminars.

Nakipag-ugnayan din ang DMW sa iba’t ibang ahensya para sa job referrals, kabilang ang DOLE, DOT, DOH, DPWH, at DepEd. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here