Home METRO Lolo, himas rehas sa panggagahasa

Lolo, himas rehas sa panggagahasa

3
0

ISABELA, Philippines – Himas rehas ang isang lolo na mayroon kinakaharap na kasong panggahasa matapos isilbi ang kanyang Warrant of Arrest sa Barangay Pilig Alto, Cabagan, Isabela.

Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Merwin Villanueva, hepe ng Cabagan Police Station sa pinaigting na kampanya laban sa mga kriminalidad at paghuli sa mga wabted person kay PCol. Manuel Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ay naaresto si alyas na “Lolong”, 65-anyos, contruction worker at residente ng nasabing lugar.

Nanguna sa pagsisilbi ng warrant of arrest sa akusado ang Cabagan Police Station ang pamunuan ni PMaj. Villanueva katuwang Provincial Intelligence Unit ng Isabela, Police Provincial Office, Regional Intelligence Division 2 at Provincial Intelligence Team-Isabela East na nagbunga sa matagumpay na

pagkakahuli nito.

Pansamantala nasa kustodiya ng Cabagan Police Station ang akusado para sa  kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng naglabas ng warrant of arrest. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here