Home METRO 18-anyos stude pinagsasaksak ng kaklase sa campus

18-anyos stude pinagsasaksak ng kaklase sa campus

3
0

CAVITE, Philippines – Isang binatang estudyante sugatan at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital makaraang pagsasaksakin ng kapwa estudyante sa loob mismo ng isang pampublikong paaralan sa Cavite City.

Kinilala ng pulisya ang biktima sa alyas na “Juan,” 18, residente ng Noveleta, Cavite. Samantala, agad namang naaresto ang suspek na nakilalang si alyas “Thon,” 18, residente naman ng Cavite City.

Base sa inilabas na imbestigasyon ng pulisya dakong alas-4:25 ng hapon sa loob ng Senior High School premises ng Cavite National High School sa Barangay 47M, ng nasabing lungsod nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang dalawang mag-aaral matapos umanong tuksuhin ng suspek ang biktima.

Dito na nauwi ang kanilang alitan sa suntukan hanggang sa bigla umanong bumunot ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang biktima sa mga braso at ibabang bahagi ng likod.

Dahil sa tinamong mga saksak sa katawan ng biktima agad na isinugod ito sa Bautista Hospital upang malapatan ng paunang lunas bago ito inilipat sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center.

Nabatid na dakong alas-5:14 ng hapon nang makatanggap ng tawag ang Cavite Component City Police Station mula sa Cavite City CDRRMO kaugnay sa insidente. Kaagad namang rumesponde ang mga tauhan ng Patrol Team Sector 2 sa lugar.

Sa isinagawang operasyon, naaresto ang suspek at narekober mula sa kanyang pag-iingat ang patalim na umano’y ginamit sa pananaksak.

Inihahanda naman ang kaukulang kaso laban sa naarestong suspek. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here