MANILA, Philippines – Hindi dapat maupo bilang presiding officer sa Senate Impeachment Court laban kay Vice President Sara Duterte si Senator Chiz Escudero, ayon sa isang retiradong Supreme Court Justice.
Ito ay dahil may dati nang isyu sa Senador sa interpretasyon nito sa salitang ‘forthwith’, sinabi ni retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio.
Dapat din aniya na hindi ipitin o patagalin ng magiging presiding officer ang impeachment trial gaya ng nangyari noon sa ilalim ni Escudero.
Ipinaliwanag ni Carpio na mahalaga ang tungkulin ng isang presiding officer dahil nasa kaniya ang pasya kung pagbibigyan o hindi ang isang mosyon.
Magugunitang noong nakalipas na April ay binigyang linaw ng Korte Suprema ang ibig sabihin ng “forthwith” na depende sa sitwasyon pero sa loob ng makatwirang panahon. Jocelyn Tabangcura-Domenden