Home NATIONWIDE DSWD naglaan ng P4B standby fund, stockpile sa paparating na bagyo

DSWD naglaan ng P4B standby fund, stockpile sa paparating na bagyo

3
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakaabang na ang kabuuang P4.416 bilyong pondo at food at non-food supplies bilang paghahanda sa paparating na bagyo na maaaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong weekend.

Ayon sa DSWD, ang on-standby resources na ito ay dagdag sa 4.7 milyong food packs na nakahanda na sa buong bansa.

“Bukod sa ating 4.7 milyong family food packs na naka-preposition sa iba’t ibang bahagi ng bansa, mayroon din pong nakalaang pondo upang makapagbigay ng agarang suporta sa mga pamilyang maaapektuhan ng kalamidad,” sinabi ni DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao.

“Nakaantabay po ang DSWD at ang lahat ng ating field offices upang agad na makapagbigay ng kinakailangang tulong sakaling may mga pamilyang maapektuhan ng inaasahang sama ng panahon,” dagdag pa niya.

“Patuloy po nating mino-monitor ang sitwasyon at nakikipag-ugnayan tayo sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang mabilis na paghahatid ng tulong kung kinakailangan.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here