Home HOME BANNER STORY Lola, mag-ina minasaker sa Batangas

Lola, mag-ina minasaker sa Batangas

1
0

MANILA, Philippines – TATLO katao ang naiulat na nasawi kabilang ang ina ng isang menor de edad na batang lalaki at lola nito.

Kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon naman ang anim na taong gulang na batang babae.

Ito ay matapos silang pagsasaksakin ng isang welder nitong Biyernes, Hunyo 19, sa Barangay Aya, Talisay, Batangas.

Ang mga nasawi na kapwa nagtamo ng mga saksak sa ibat-ibang parte ng katawan ay kinilala sa mga alyas na Maria, 35; Perla, 59, at Kelly, 2 taong gulang, samantalang kasalukuyang nilalapatan ng lunas ang anim na taong gulang na batang babae na nagtamo din ng mga saksak sa bahagi ng katawan.

Matapos ang isinagawang krimen ng suspek ay kaagad itong naaresto ng mga awtoridad sa kanilang bahay na nakilalang si Alyas Mark, 33, may-asawa, welder, at residente ng Barangay San Roque, Sto Tomas, Batangas.

Base sa imbestigasyon ng Talisay Police Station, dakong alas-10:00 ng gabi habang ang mga biktima ay mahimbing na natutulog sa loob ng kanilang bahay ay palihim na pinasok ng suspek at isa-isang inundayan ng mga saksak ang mga biktima na ikinasawi ng tatlo katao.

Napag-alaman na nakaligtas sa insidente ang dalawang magkapatid na nagawang tumalon sa bintana ng kanilang kuwarto kung saan kaagad na humingi ng tulong sa mga kamag-anak na kalapit lang ng pinangyarihan ng krimen.

Kaugnay nito, ang tinitingnang motibo ng pamamaslang sa mga biktima ang banta umano sa suspek na irereklamo ito sa panghahalay ng isang menor de edad.

Pansamantalang nasa kustodiya na ng Talisay Police Station ang suspek habang inihahanda ang mga dokumentong isasampang kaso laban sa suspek, gayundin ang kasong panghahalay. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here